Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Nasa 3rd at final reading na ang
isinusulong na ordinansa ni Vice Governor Gabrielle V. Calizo-Quimpo sa
Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.
Ito ay may kaugnayan sa paggamit ng alternatibo at
mga eco-friendly na packaging materials sa lalawigan, kasama na ang bayan ng Kalibo at isla ng Boracay.
Samantala, sa ginanap naman na 16th
Regular Session napagkasunduan nang isulong ang nasabing ordinansa at
nakatakdang ma-esapinal ang magiging desisyon sa 17th Regular
Session sa November 6, 2013.
Sa kabilang banda, sa pahayag ng bise gobernador sa
ginanap na pagpupulong nitong myerkules.
Sinabi nitong makakatulong umano ang nasabing
ordinansa hindi lamang sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran, kundi magkakaroon din ng disiplina ang mga
tao sa tamang pagtatapon ng basura kung saan isa sa mga nagiging dahilan ng
pagbaha.
No comments:
Post a Comment