Ni Jay-ar M. Arante, YES FM
Boracay
Binaklas ng Comelec Malay ang mga poster ng mga kandidatong hindi sumunod sa tamang batas na ipinapatupad
nila.
Katunayan pinagunahan ni Malay COMELEC
Election Officer II Elma Cahilig ang pagbabaklas nito lamang Sabado sa
baranggay Manoc-manoc.
Aniya, tinawagan naman niya ang
kandidatong nag-mamay ari ng poster para-ipaalala ang paglabag nito sa kanilang
batas.
Agad naman umanong nag-comply ang
nasabing kandidato sa pinag-utos ng Comelec at binaklas ang sarili niyang
campaign materials.
Dagdag pa ni Cahilig, kung hindi
sila susunod ay maari silang ma-obligang mag padala ng notice letter sa mga
kandidatong hindi sumunod dito.
Ipinaalala naman nito sa mga
kandidato na dapat ay limang peso lamang ang kanilang magagastos sa
pangangampanya sa bawat isang botante.
Samantala, ngayong hapon ay
magkakaroon naman ng inspeksyon ang Comelec sa mga baranggay sa Malay kasama
ang PNP para magbaklas ng mga poster sa ipinag-babawal na lugar.
kobe
ReplyDeletebape
supreme hoodie
goyard handbag
supreme clothing
golden goose sneakers
goyard outlet
off white shoes
supreme clothing
off white