Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi palalampasin ng Comelec Malay ang mga pasaway na
kandidato para sa brgy. Election sa Lunes.
Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig, hindi nila hahayaan ang mga kandidatong basta na lamang nangangampanya at hindi marunong sumunod sa batas ng Comelec.
Ayon kay Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig, hindi nila hahayaan ang mga kandidatong basta na lamang nangangampanya at hindi marunong sumunod sa batas ng Comelec.
Katunayan magkakaroon umano sila ng inspeksyon sa mga
baranggay sa Malay bago matapos ang campaign period nitong Sabado.
Aniya, kapag napansin nilang mali ang mga sukat ng poster
o mga campaign materials ng mga kandidato ay maaari nilang tawagan o padalhan ng
written notice ang mga ito.
Nananawagan naman si Cahilig sa mga mamamayan na kung may
makikita silang mga nakalagay na poster ng kandidato sa mga lugar na hindi
dapat paglagyan ng campaign materials ay agad umanong ipagbigay alam ito sa
kanila.
Samantala, paalala naman nito sa mga botante na piliing
mabuti ang mga kandidatong responsable at karapat dapat na mamuno sa baranggay.
No comments:
Post a Comment