Ni Mackie Pajarillo, YES FM Boracay
Nalulungkot ang mga taga DOT-Boracay sa pagkakasibak ni
Boracay PNP Chief of Police Joeffer Cabural.
Ani Department of Tourism DOT–Boracay, Officer in Charge,
Tim Ticar nanghihinayang ito dahil marami pa sana silang mga programa na
pagsasamahan.
Sabi pa ni Ticar, napaka-cooperative kasi nito sa lahat
ng mga programa ng DOT-Boracay at aktibo sa paggawa ng mga solusyon sa krimen
dito sa isla.
Samantala nagpahayag rin ng pagkadismaya ang BFI o
Boracay Foundation Incorporated President na si Jony Salme sa pagka relieve ni
Cabural.
Naging partner kasi nito ang pulis sa BAG o Boracay
Action Group.
Kaya malaking kawalan daw talaga ito para sa kanila
sapagka’t masipag at maganda ang performance na ipinapakita ng nasabing hepe.
Dagdag pa ni Salme, malaki ang naging kontribusyon ni
Cabural sa BFI dahil palagi daw siyang nandyan kapag kinakailangan.
Si Police Senior Insp. Joeffer Cabural ay mahigit ding
isang taong naging kasama ng BFI at DOT sa pangangalaga ng isla.
Subali’t nitong nagdaang linggo ay kasama ito sa sinibak
ni mismong Philippine National Police Director General Alan Purisima, dahil sa umano’y
paglabag sa istriktong command policy tulad na lamang ng tamang crime
statistics reporting.
No comments:
Post a Comment