Ni Jay-Ar Arante, YES FM Boracay
Nasa tanggapan na ngayon ng LGU Malay ang mga
gagamiting paraphernalia para sa idadaos na halalan sa bansa sa lunes.
Ito ang kinumpirma ng COMELEC Aklan, matapos na
mapabilang sila sa maagang pinadalhan ng tanggapan ng COMELEC ng mga gagamitin
sa darating na eleksyon.
Ayon naman sa COMELEC Malay hawak na ngayon ng
treasurer ng nasabing bayan ang mga paraphernalias kabilang na ang election
forms at iba pang supplies.
Inaasahan din na bukas o sa lunes ng madaling araw ay
maipamamahagi na ang mga ito sa mga malalayong lugar sa bansa kabilang na ang
probinsya ng Aklan.
Samantala, mahigpit naman sa ngayon ang ginagawang seguridad
ng mga kapulisan sa pagbabantay ng election supplies para maiwasan ang dayaan
at anumang problema pagdating ng halalan.
Sa ngayon, buong suporta ang ipinapakitang
pagtulong ng mga otoridad para sa idadaos na Barangay Election.
No comments:
Post a Comment