Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay
Hinling ngayon ni SB Member Frolibar Bautista ang
pag-balangakas ng isang resolusyon para igiit sa pamahalaang probinsya ng Aklan
ang mabilisang pagsasaayos at paglagak ng makabagong gamit-medikal para sa
Boracay Hospital.
Ito ang nilalaman ng privilege speech ni Bautista sa
ginanap na 14th Regular Session ng SB Malay kahapon.
Partikular na inihalimbawa nito ang nangyaring pagkamatay
ng isang pasahero ng MS Superstar Gemini dahil sa stroke.
Aniya,bagamat namatay ito sa sakit ay mas makakabuti
di-umano na handa ang ating ospital sakaling may kahalintulad na insidente na
pwede pang maagapan.
Iginigiit ito ni Bautista dahil marami naman daw pondo
ang probinsya mula sa mga koleksyon na umaabot ng milyon at marami pang
cruiseship ang darating para bumisita sa isla kaya oras na para i-fast track
ang paglagay ng mga kakailanganing medical equiptment dito.
Ayon naman kay SB Member Aguirre , may mga gamit naman
daw ang ospital subalit walang personnel na nangangasiwa ,kaya sinang-ayunan
din nito ang hiniling na resolusyon.
Samantala , naisingit naman sa privilege hour na mukhang
hindi na umano matutuloy ang planong ospital sa area ng Mt. Luho na pinundohan
ng probinsya at TIEZA na umano ang magsasagawa ng proyektong medical na ito.
No comments:
Post a Comment