Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang sinabi ng isang babaeng empleyado sa Boracay,
matapos umanong mapagtripan ng apat na lasing sa So. Pinaungon Ibaba, Balabag
nitong nagdaang linggo.
Si Janet, hindi totoong pangalan, mahigit siyam na taon nang nagtatrabaho sa Boracay.
Madalas, alas dos o alas tres na ng madaling araw umuwi
galing sa trabaho nang mag-isa.
Maliban sa pagod at antok, natatakot na rin sya sa tuwing dumadaan
sa madilim na bahagi ng Pinaungon Ibaba, dahil sa kawalan ng ilaw doon.
Narinig umano kasi nito na ang sabi ng mga lasing na
titirahin siya ng mga ito, dahilan upang kumaripas siya ng takbo sa sobrang
takot.
Kaugnay nito, nanawagan si Janet sa mga kinauukulan na sana’y
magkaroon ng ilaw ang kanilang lugar para sa kaligtasan ng mga residente doon.
Umaasa naman ito na mabibigyang pansin ang siguridad ang mga
katulad niyang babae at panggabi ang trabaho.
Samantala, sinabi na rin noon ng LGU Malay na may program of
works na para sa mga street lights sa Boracay.
dapat gid man kay ang kapatid ko doon hinuldap na binogbog pa
ReplyDelete