Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Katunayan, ilan sa mga tauhan ng
local na pamahalaan ng Malay ang kinuha para palitan ng mga bago at ayusin ang
mga sirang poste.
Ayon kay Island Administrator
Glenn SacapaƱo, all set na ang mga bago at
karagdagang street lights para sa isla pero kailangan muna umanong alisin ang
mga sirang poste at ilan pang mga nakakasagabal para sa pagpapatayo ng mga
bago.
Aniya, delikado na kasi ang mga
ito para sa mga dumadaan at kailangan pa umano muna nilang siguraduhin kung ano
ang mga deperensya sa kalsada at saka ipapatayo ang mga bagong street lights.
Samantala, plano ngayon ng local
na pamahalaan na lagyan ng mga ilaw ang ilan pang mga madidilim na bahagi sa
Boracay at hindi lamang sa main road.
No comments:
Post a Comment