Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patuloy parin ang ginagawang pagbaklas ng Comelec Malay
kasama ang PNP at MAP ng mga poster ng kandidatong pasaway.
Ayon kay Malay Comelec Officer Elma Cahilig, nagsagawa sila ng operation baklas kahapon sa Boracay kung
saan maraming mga kandidato sa baranggay election ang hindi sumusunod ng tamang
sukat at lugar ng poster na kanilang ginamit.
Sa pakikipag-tulungan naman ng Comelec Malay sa BTAC police
ay agad silang nagsagawa ng pagbaklas kahapon.
Sa kabilang banda nagpalabas ang Comelec ng common poster
area sa mga lugar sa Malay na dapat paglagyan o pagdikitan ng mga campaign
materials.
Kabilang sa common poster area ay ang public plaza sa bawat
baranggay ng nasabing bayan at sa mga mismong bahay ng mga kandidato.
Nagpaalala naman ang Comelec Malay na bawal ang paglagay ng
mga poster o streamer sa mga puno lalo na’t walang pahintulot ng may-ari nito.
No comments:
Post a Comment