Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Todo ang pagsisisi ng isang lalaki
at halos humahagulgol sa pag-iyak matapos matiklo sa isang buy-bust operation.
Katunayan, humihingi pa ito ng
pari para makausap at makahingi umano ng tawad sa kanyang nagawa.
Sa pinagsanib na puwersa ng Provincial
Intelligence Branch Operatives (PIBO), Aklan Police Provincial Office, Aklan
Provincial Public Safety Company (APPSC), Regional Anti-Illegal Drugs Special
Operations Task Group (RAIDSOTG), Police Regional Office Six (PRO6) at Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) natimbog ang suspek na si Jose Maria Antonio
Agustin Kilayko alyas “Jack”, 41, ng Mountain View Subdivision, Mandalagan
Bacolod City.
Isinagawa ang buy-bust operation sa
Room No. 5, ng isang guest house sa So. Bolabog Barangay Balabag Boracay sa
pagitan ng suspek at ng isang police asset.
Nasabat mula sa suspek ang isang
sachet ng shabu, 1 libong piso na ginamit sa buy bust, dalawang plastic sachet
ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 50, 000 pesos, ilang drug paraphernalias,
at dalawang cell phones na ginamit umano sa illegal drug transactions.
Kaagad inaresto at ikinostodiya
sa Boracay PNP ang suspek na nakatakdang kasuhan ng pagtutulak ng droga.
No comments:
Post a Comment