Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpalabas ngayon ng babala sa publiko ang waste at pollution
watchdog kaugnay sa lason na nagmumula sa usok ng kandila.
Ito ay may kinalaman sa nalalapit na undas ngayong Nobyembre
a uno at a-dos kung saan talamak ang paggamit at pagbinta ng mga kandilang ito para
ialay sa mga yumaong mahal sa buhay.
Basi sa pag-iimbistiga ng watchdog napag-alaman nilang
may mataas na level ng lead ang mga kandila lalo na ang galing China.
Ayon naman sa mga taga-Balabag Health Center, nagdudulot
nga ito ng masamang epekto sa kalusugan ng mga tao lalo na kung usok ang
pinag-uusapan.
Higit nga anilang nakaka-apekto ang mga usok na nagmumula
sa kandila at sigarilyo dahil sa na- kakasama ito sa kalagayan ng mga buntis at
bata na maaaring maka-apekto sa kanilang respiratory system.
Samantala, ipinagdirawang naman ngayong Linggo ang International
Lead Poisoning prevention week.
No comments:
Post a Comment