Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE)
Aklan ang mga Ita sa Boracay kung saan nakakaranas umano ng diskriminasyon ang
ilan sa mga ito sa isla.
Ayon sa DOLE lahat ay may karapatan at kung dahil sa
pisikal na anyo nila ang tinitingan ng iba ay huwag na daw pansinin ang mga
bagay na ito, ang importante ay marangal ang kanilang trabaho.
Sa ngayon kasi ay marami ng mga Ita sa isla ang
nakakapagtrabaho sa ilang mga resort at establisyemento, kung saan napipilitang
ding umalis agad sa pinagtatrabahuhan dahil sa pangungutya ng ilang mga tao.
Ayon pa sa DOLE maaaring makapagsumbong sa Commission on
Human Rights at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang mga Itang
nakakaranas ng pang-aabuso sa karapatang pantao.
Samantala, nagpapasalamat naman ang mga Ita sa mga
natatanggap na suporta galing sa mga iba’t-ibang mga ahensya at organisasyon sa
isla.
No comments:
Post a Comment