Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kanselado ngayon ang ilang byahe ng eroplano sa Caticlan at
Kalibo International Airport dahil sa pag-upgrade ng CAAP sa NAIA.
Kung saan, halos umabot sa isang daang domestic flights ang
kanselado ngayong araw ng dalawang major air carrier sa bansa.
Ito ay para bigyang daan ang preventive maintenance ng Civil
Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Nabatid na planong e-upgrade ng CAAP ang radar system ng
Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nagsimula ang radar maintenance ala-una kaninang madaling
araw hanggang alas siyete ng umaga bukas.
No comments:
Post a Comment