Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isasagawa sa Boracay ang 2013 Sk Regional End-Term Congress
ngayong Setyembre para talakayin ang ibat-ibang programang pangkabataan.
Ayon kay Malay SK Federation President Cristina Daguno, lalahukan
ito ng buong Sangguniang Kabataan (SK) sa Region 6 na kinabibilangan ng
probinsya ng Negros, Iloilo, Guimaras, Roxas, Antique at Aklan.
Ilan umano sa magiging topiko nila ay tungkol sa
nalalapit na eleksyon, livelihood program at anti drugs.
Inaasahan naman na magiging panauhing pandangal sa
nasabing okasyon ay sina mismong DILG Secretary Mar Roxas, Aklan Governor
Florencio Miraflores Mayor John Yap ng Malay at ang National President ng Sk na
si Luis Gabriel Del Rosario.
Dagdag pa ni Daguno, ito umano ang kauna-unahang
pagkikita ng mga Sk ng nasabing Rehiyon para sa nasabing aktibidad.
Samantala, ang nasabing event ay gaganapin ngayong Setyembre
20-22.
No comments:
Post a Comment