Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
May cruiseship na namang darating sa Boracay ngayong
Oktobre at Nobyembre.
Ito ay ang MS SUPERSTAR GEMINI at MS SUPERSTAR AQUARIUS mula
sa Xiamen China.
Kaugnay nito, inaasahang magpupulong ang pamahalaang
probinsya, MARINA, PNP, Coastguard, DOT at iba pang ahensya upang mapaghandaan
ang nasabing aktibidad.
Ayon kay Jetty Port Statistician at assistant to the
administrator Mars Bernabe, isang araw lang ang itatagal ng mga cruise ship dito
at babalik naman agad sa Xiamen China.
Samantala, inaasahan umanong dadalo sa mismong araw ng
pagdating ng cruise ship si mismong DOT Secretary Ramon Jimenez para tumanggap
ng plaque.
Gaganapin naman ang pagpupulong sa susunod na linggo
No comments:
Post a Comment