Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na matutuloy ang relokasyon ng Don Ciriaco S. Tirol
Memorial hospital sa may Mt. Luho Brgy. Balabag.
Ayon kay Aklan Provincial Health officer Dr. Victor Sta.
Maria, may ibang pinaplanong ipatayo ang Department of Tourism sa nasabing
lugar na isa ring Health facilities para sa Medical Tourism.
Sa ngayon umano ay mananatili nalang ito sa kaniyang kinakatayuan
at ipapaayos katulad sa desinyo na kanilang pinaplano na dapat ipagawa sa may
Mt. Luho.
Aniya, minamadali na rin nila ito dahil sa kakulangan ng
mga equipment ng nasabing hospital sa ngayon.
May funding na rin umano para dito ang Department of Health
katuwang ang LGU Malay.
Ayon pa kay Dr. Sta Maria, ang bagong hospital ay
inaasahan nilang magiging International standard dahil sa mga bagong equipments
at mga staff na ilalagay dito.
No comments:
Post a Comment