Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Planong e-upgrade ngayon ng jetty port Administration ang
pagpapaganda ng Cagban Jetty port sa Baranggay Manoc-Manoc.
Ayon kay Jetty Port Statistician at assistant to the
administrator Mars Bernabe, ihahalintulad na nila ito sa Caticlan jetty port na
kung saan ay sarado at air-conditioned ang nasabing pantalan.
Maglalagay din umano sila ng island check-in at ilan pang
pasilidad para sa mga turista bilang bahagi ng kanilang implementasyon.
Aniya, nakatuon umano sila sa pagpapaganda ng nasabing
pantalan at wala pa umano sa plano nila na palawakin ito.
Nabatid na bahagi ito ng paghahanda sa mga pagdating ng mga
star cruise ship sa karagatan ng isla Boracay sa mga susunod na taon.
Sinabi naman ni DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar,
na maganda itong move ng sa probinsya ng Aklan kung sakaling matutuloy ito.
Dapat din umanong tutukan ang pagpapaganda ng mga daanan
papuntang isla ng Boracay.
Pangarap umano ng Department of Tourism na naka ayon ang
mga facilities at amenities ng isla sa World class standard.
No comments:
Post a Comment