Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Problema ngayon ng mga kapulisan sa Boracay Tourist
Assistance Center (BTAC) ang pagdami ng mga manlolokong Lady boy sa isla.
Ito ay sa kaliwa’t kanang reklamong natatanggap ng mga
kapulisan mula sa ilang mga turistang lalaki na nabibiktima ng pagnanakaw ng
mga bading.
Ayon sa mga pulis madalas na umiikot ang mga lady boy sa
mataong lugar upang maghanap ng customer na puweding maloko.
Kadalasan anilang nag-aabang ang mga ito ng mga lasing na
bakasyonistang lalaki at niyayang sumama sa kanila.
Lingid naman sa kaalaman ng mga biktima na ang kanilang
sinasamahan ay hindi tunay na mga babae.
Bukod pa sa pagbibigay ng panandaliang aliw ng mga lady boy
sa kanilang customer ay may-iba pa silang pakay.
Kung saan kinukuha ng mga ito ang mga mamahaling gamit ng
mga biktima at saka tatakas.
Samantala, isa na namang British National ang nagreklamo
kanina sa kapulisan dahil sa muntikan umano itong mabiktima ng isang bading.
Laking gulat umano nito ng madiskubrihan na ang kaniyang na
pick-up na babae sa isang bar ay isa palang bading matapos nitong dalhin sa kaniyang
inuupahang apartment sa Manoc-Manoc.
Inaakusahan pa nito na tinatangkang kunin ng lady boy ang
kaniyang cell phone at muntikan nading matangay ang kaniyang gold necklace.
No comments:
Post a Comment