Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang paalala ngayon ng AKELCO o Aklan Electric
Cooperative sa lahat ng kanilang mga kunsyumidor.
Tataas na naman kasi ang kanilang singil sa kuryente
ngayong Setyembre.
Base sa inilabas na power advisory ng AKELCO.
Magtataas ng P0.28/kwh ang kanilang singil, kung saan magmula
sa P10.76/kwh ay magiging P11.03/kwh na para sa mga Residential Consumers.
Samantala, magtataas naman ng P0.27 para sa mga
Commercial Consumers magmula sa P9.83/kwh at magiging P10.11/kwh na.
Dagdag ng AKELCO, ang nasabing pagtaas ng singil ay dahil rin sa pagtaas ng presyo sa Whole sale Electricity Spot Market o WESM.
Bagamat ayon din sa AKELCO, posible rin umanong bumaba
ang singil depende sa mga generation charges at halaga ng power supply.
No comments:
Post a Comment