Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inilabas na ng Malay sanitation office ang resulta ng kanilang
imbistigasyon sa umano’y food poisoning sa La Carmela Boracay nitong nakaraang
linggo.
Ayon kay Malay Sanitation Inspector III Babylyn Frondoza,
umabot sa animnapu’t lima ang mga nabiktima na kinabibilangan ng mga estudyante
at guro mula sa Assumption University San Fernando Pampanga.
Batay sa nakuha nilang mga impormasyon sa mga biktima,
kumain umano ang mga ito ng fish fillet at chicken curry sa kanilang hapunan sa
nasabing resort.
Aniya, ito ang pinaniniwalaang naging dahilan ng kanilang
pananakit ng tiyan at pagsusuka na agad namang naagapan nang isinugod sa
malapit na pagamutan.
Hindi naman umano nagbigay ng sapat na paliwanag ang
pamunuan ng La Carmela tungkol sa nangyaring insidente, kahit sinagot nito ang
gastusin ng mga biktima sa ospital.
Samantala, kabilang sa mga inimbistigahan ng mga taga
sanitation ang mga cook sa nabanggit na resort at ang mga pinagbilhan ng mga
ingredients na lulutuin.
Paalaala naman ni Frondoza na maging maingat sa mga
pagkain sa mga restaurant sa Boracay.
No comments:
Post a Comment