Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dumalo ang ilan sa Sangguniang Bayan ng Malay para sa
isinagawang Environmental Forum na ipinatawag ng Boracay Foundation
Incorporated (BFI) kahapon.
Ayon kay Sangguniang Bayan Malay Secretary Concordia
Alcantara, nagpadala ng sulat ang BFI sa kanila, kung saan inaanyayahan ang mga
SB na dumalo para sa nasabing Forum.
Dito umano matatalakay ang ilan sa mga problemang
pangkalikasan ng isla at sa ikakaganda pa nito.
Dinaluhan naman ito ni Malay SB Member Manuel Delos Reyes
bilang Chairman ng Environmental protection.
Kasama naman sa ilang mga dumalo ay si SB Member Jupiter
Gallenero at ilan pang pribadong sektor ng nasabing bayan.
Samantala, naging abala ngayon ang LGU Malay ng nasabing
bayan bilang paghahanda sa nalalapit na pagdating ng dalawang cruise ship ngayong
buwan ng Setyembre at Oktobre.
Nabatid na lima pang mga cruise ship ang nagbigay ng
abiso na bibisita rin sa karagatan ng isla ng Boracay sa susunod na taon.
No comments:
Post a Comment