Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Nakapag-courtesy call na sa mga stakeholders si Engineer
Norman Dy Lebelo, ang bagong OIC ng CENRO Boracay.
Si Lebelo ay nagmula sa PENRO o Provincial Environment
and Natural Resources Office (PENRO) sa Negros Occidental at pumalit kay kay
Atty. Elizur Militar, Project Evaluation Officer II na pumalit naman kay Boracay
CENRO Officer Mirza Samillano.
Nabatid na nagleave si Samillano dahil sa kanyang
kalusugan kamakailan lang.
Samantala pormal nang naupo sa pwesto bilang bagong OIC
ng nasabing ahensya si Lebelo nitong nagdaang Setyembre a dos.
No comments:
Post a Comment