Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ayon kay Boracay Island Administrator Glenn Sacapaño, may
mga itinalaga silang tauhan ng LGU Malay para e-monitor ang mga ilegal na
masahistang ito na kadalasan ay nambibiktima ng mga turista.
Kabilang umano sa mga nagbabantay dito ay ang mga MAP na
nag-iikot sa mataong lugar upang tingnan ang mga masahistang may ilegal na
ginagawa.
Sa oras naman umanong mahuli ang mga ito na may
ginagawang kalokohan ay agad silang huhulihin at dadalhin sa Action Center para
bigyan ng sapat na parusa.
Aniya, maaring ma-ticketan ang mga ito at kunin ang
kanilang permit kung sila’y mapapatunayang nanloloko.
Nababahala naman si Sacapaño dahil sa pagdami ng mga
tinatawag na illegal na masseurs ngayon sa Boracay.
Nabatid na ilang mga turista ang nagrereklamo tungkol sa
mga illegal na masahistang ito dahil sa hindi lang pagmamasahi ang inaalok nila
sa kanilang mga custumer kundi panandaliang aliw din.
Dagdag pa ni Sacapaño, kung sakaling makunan sila ng mga
litrato ay maganda umano itong ebedinsya para sa kanila.
Samantala, ipinapaabot naman nito sa lahat ng mga nagtratrabaho
sa Boracay na idaanan sa maayos ang paghahanap buhay at huwag sa panloloko
dahil isa umano ito sa makakasira sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment