Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Iniimbistigahan parin ng sanitation office ang nangyaring
food poisoning sa La Carmela de Boracay nitong nakaraang linggo.
Ayon kay Malay Sanitation Officer 3 Babylyn Frondoza, marami
pa silang iniimbistigahan sa likod ng nasabing insidente, katulad ng mga
nagluluto at ang mga supplier ng mga pagkaing idinideliver sa nasabing resort.
Mabusisi umano kasi ang kanilang pag-iimbistiga sa
naganap na insidente dahil sa marami ang nabiktima nito.
Maliban dito, inaantay pa nila ang reports ng mga doktor
na sumuri sa naging pasyente, at ang paliwanag ng pamunuan ng resort para
maidagdag sa kanilang isinasagawang imbistigasyon.
Matatandaang mahigit sa apatnapung mga guro at estudyante
ng Asumption University sa San Fernando, Pampanga ang umano’y nalason ng
pagkain sa La Carmela Resort nitong nagdaang huwebes.
No comments:
Post a Comment