Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pinuri ng BRTF ang mga establisemyentong sumunod sa 25+5
meter easement sa Boracay.
Ayon kay Mabel Bacani ng BRTF o Boracay Redevelopment
Task Force, pinuri ng task force ang mga establisemyentong katulad ng Willy’s
Beach Club Hotel, Laguna de Boracay, Marzon’s, at Congas Bar and Restaurant,
dahil sa kanilang ipinakitang kooperasyon.
Maliban umano kasi sa kusang pagtanggal nila ng mga
istrakturang pasok sa nasabing setback.
Namigay pa ng gift certificates ang ilan sa mga ito, upang
mabawasan ang pagkadismaya ng kanilang mga naaabalang guest sa nangyayaring
demolisyon.
Kaugnay nito, naniniwala umano ang task force na ang
kooperasyon ng kumunidad, resort owners, at mga non-government organizations sa
pagpapatupad ng redevelopment plans, ang siyang magbabalik sa Boracay bilang sa
numero unong beach sa buong mondo.
Samantala, nakatakda ring lumahok sa isang Environmental
Forum ng University of the Philippines Marine Science Institute ang mga resort
owners sa isla ngayong araw.
No comments:
Post a Comment