Makikipagpulong
bukas sa mga taga University of the Philippines Marine Science Institute (UPMSI) ang mga
station 1 owners sa Boracay.
Ayon
kay Mabel Bacani ng Boracay Task Force Redevelopment, Darating
ang grupo ng mga taga University of the Philippines Marine Science Institute,
sa pangunguna ni Dr. Miguel Fortes, upang pag-usapan ang tungkol sa mga seawall
sa isla.
Nabatid
na hinihintay pa ng mga taga re-development task force ang rekomendasyon ng grupo
nina Fortes, kaugnay sa tinatawag na environmental code.
Ibig
sabihin aniya, kailangang naaayon sa kapaligiran ang anumang gagawing hakbang
ng task force partikular na ang sa mga seawall.
Ayon
pa kay Bacani, may mga mechanics o patuntunan na kinakailangan para dito, na
isusumite din nila sa National Redevelopment Task Force, mula sa mga nasabing
grupo, pagkatapos ng kanilang pagpupulong.
Si
Fortes ang tumutulong sa LGU Malay sa paggawa ng environmental code at kasama
sa mga bumuo ng Boracay Master Plan noong taong 1989.
No comments:
Post a Comment