Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ipapatawag ng SB Malay ang pamunuan ng TransAir at CAAP sa
Caticlan airport sa darating na Martes para sa Committee Hearing.
Ito’y may kaugnayan sa naging privilege hour ni SB Member
Jupiter Gallenero, tungkol sa nangyayaring trapiko sa isinasarang National road
patungong bayan ng Malay sa tuwing may mag-lalanding at mag ta-take off na
eroplano sa nasabing airport.
Aniya, halos umaabot umano ng dalawamput limang oras na
sinasara ang daanan kaya kung minsan ay nahuhuli sila sa kanilang pupuntahan.
Dahil dito nais nitong yayain ang mismong namumuno sa
nasabing tanggapan upang ipaliwanag sa kanila kung ano ang patakaran ng
Caticlan airport sa mga ganitong pangyayari.
Sinang-ayunan naman ito ng buong SB Member ng Malay kung
saan magpapadala din sila ng sulat para dito.
Dagdag pa ni Gallenero dapat hindi ipinapasara ang
kalsada doon dahil ito ay bahagi parin ng National road.
Isa pa umano sa gusto nilang malaman ay ang patuloy na
pagpapalapad ng Caticlan airport na magiging international narin sa mga susunod
na taon.
No comments:
Post a Comment