Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinamamadali na ngayon ng DOT sa Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagpa-pump sa mga lugar na binabaha sa
isla ng Boracay.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, nagmula
pa umano sa main office ng Department of Tourism ang nasabing utos dahil sa
nalalapit na naman ang peck season sa Boracay.
Aniya, kailangan na itong masulosyunan sa lalong madaling
panahon dahil magdudulot na naman umano ito ng kahihiyan sa mga turista.
Nangangamba naman si Ticar dahil nadadagdagan pa ang mga
lugar sa Boracay na binabaha kahit na kaunting ulan lang.
Ang patuloy din umanong pagpapatayo ng mga establisyemento
ang dahilan para wala ng madaluyan ang tubig-baha papunta sa mga drainage
system.
No comments:
Post a Comment