Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tutulungan umano ng ibat-ibang ahensya ng bansa ang ilang
mga Ati na naninirahan sa isla ng Boracay partikular na sa Brgy. Manoc-Manoc.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie S. Flores, may mga nakausap siyang mga madre na handang tumulong sa mga
katutubong Ati.
Aniya, posible din umanong mabigyan ng pabahay ang mga ito
para magkaroon naman sila ng sapat at kumportabling tirahan.
Dagdag pa ni Flores, maari ding mapag-aral ang mga batang
Eta sa Boracay.
Isa lamang umano ito sa mga tugon ng ibat-ibang ahensya
kung saan nakakaranas ng kahirapan ang mga eta ngayon.
Matagal na rin aniya itong hinihiling sa pamahalaan ng pinatay na Ati spokesman na si Dexter Condez na matulungan sila sa kanilang pamumuhay bilang mga katutubo sa isla.
Matagal na rin aniya itong hinihiling sa pamahalaan ng pinatay na Ati spokesman na si Dexter Condez na matulungan sila sa kanilang pamumuhay bilang mga katutubo sa isla.
Sa ngayon, ilan paring mga katutubong Ati ang namamalimos
sa gilid ng kalsadahin sa Boracay partikular na sa area ng front beach kung
saan dagsa ang mga turista.
No comments:
Post a Comment