Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Pirmado na ang E.O o Executive Order para sa Boracay
Environmental Task Force.
Ito ang kinumpirma kahapon ni mismong Municipal Engineer
at Boracay Environmental Task Force Chairman Elizer B. Casidsid.
Ang executive order number 005 ang magiging implementing
arm ng task force upang ilunsad ang on-site inspection sa mga illegal drainage
connection sa isla ng Boracay.
Samantala, habang hinintay ng mga taga Task Force ang
kopya ng nasabing E.O.
Sinabi ni Casidsid na dahil aprobado naman ito ni Mayor
John Yap ay kanilang sinimulan ang pag-inspeksyon nitong nagdaang linggo.
Kung saan natukoy na ng task force ang mga
establisemyentong may mga illegal na koneksyon, sa mga lugar ng Sitio Bolabog
at Sitio Lugutan.
Nakatakda namang ipatawag ng LGU ang mga nasabing
establisemyento.
Samantala, sa 5th meeting ng nasabing task
force kahapon, kinumpirma din nito na “rain or shine”, ay patuloy ang operasyon
ng nasabing task force.
No comments:
Post a Comment