Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Target na maabot ngayon ng Department of Tourism ang 1.5
milyong mga turista para sa Boracay bago magtapos ang taong 2013.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, nakapagtala na sila ng halos pitong daang libong
turistang pumunta sa Boracay simula noong buwan ng Enero hanggang nitong buwan
ng Hulyo.
Ikinatuwa naman ito ng Department of Tourism dahil
napakalaki umano itong tulong sa turismo ng bansa.
Aniya, bukas ay kukuha sila ng record mula sa Jetty port
office kung ilang mga turista ang nakapunta sa Boracay ngayong taon.
Masaya naman si Ticar, dahil kahit na patuloy ang pagbanta
ng sama ng panahon at madalas na pag-ulan sa bansa ay marami parin ang
nagbabakasyon sa Boracay.
Sa ngayon tiwala naman ang Department of Tourism na
maabot nila ang kanilang target na 1.5 para sa taong 2013.
No comments:
Post a Comment