Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Target ngayong maipasada ang isang daang Electric
Tricycle (e-trike) sa isla ng Boracay bago pa magtapos ang taong 2013.
Ayon kay dating Malay SB Member Dante Pagsuguiron, uumpisahan ng maipasada ang mga darating na e-trike sa buwan
ng Agosto sa unang linggo ng Septyembre ngayon taon.
Aniya, kada katapusan ng buwan ay pipilitin nilang magkakaroon
ng delivery mula sa kompanya ng Gerweiss Motors Corporation sa Manila.
Dagdag pa ni Pagsuguiron, sasailalim pa sa ibat-ibang
training ang mga operators ng e-trike para sa pagmamaneho at sa tamang
pakikitungo sa mga pasaherong sasakay nito.
Nanawagan naman ito sa mga nais pa umanong makapag-avail
ng nasabing sasakyan ay maari lamang na lumapit sakanya.
Nais naman nito na magkaroon ng maikling programa bilang
pagpapasinaya sa mga e-trike.
Samantala, patuloy naman silang naghahanap ng mga lugar sa
Boracay bilang charging at paying station ng mga e-trike.
No comments:
Post a Comment