Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dinagsa ng mga magpaparehistro para sa darating na
Brgy.at SK ang Comelec Malay kahapon.
Karamihan dito ay mga kabataan na unang pagkakataon
palang para makaboto para sa Sangguniang kabataan.
Tiniis din ng mga ito ang walang tigil na pagbuhos ng
ulan makapag rehistro lamang.
Naging abala naman ang mga empleyado ng Comelec sa
pangunguna ni Malay COMELEC Election Officer II Elma Cahilig dahil dito.
Sa unang araw pa lamang ng registration noong nakaraang
lunes ay dinagsa agad ang Comelec Malay ng mga gustong magparehistro.
Una ng sinabi ni Cahilig na naging maayos naman ang sitwasyon
ng pagpaparehistro noong nakaraang linggo.
Samantala, ang registration para sa barangay at SK
Elections ay magtatapos na ngayon mula alas otso ng umaga hanggang alas singko
ng hapon.
No comments:
Post a Comment