Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nakipagpulong na ang Department of Tourism Boracay kay
Jetty Port Administrator Nieven Maquirang tungkol sa reklamo ng mga pasahero sa
mga sirang hagdan sa Cagban Jetty Port.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-Charge Tim Ticar, ipinatawag niya noong Sabado si Maquirang para
mapag-usapan ang pagpapa-repair ng mga nasirang hagdan doon.
Napag-usapan na rin umano nila kung ano-anong mga
materyales ang kanilang gagamitin, kung saan isa sa mga iminungkahe ni Ticar ay
ang stainless steel para may laban sa kalawang.
Kung bakal lang umano kasi ay madaling kalawangin,
samantalang kung semento naman ay nababasag pag-nababangga ng mga bangkang
dumadaong doon.
Magkaganon paman ayon pa kay Ticar, may naiisip pa si
Maquirang na pweding ipalit maliban sa stainless.
Samantala, napag-alaman din umano nito na may instruction
na ang Jetty Port Administrator para magkumpuni sa mga sirang hagdan sa Cagban
Jetty Port at sinisimulan na itong gawin ngayon.
No comments:
Post a Comment