Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Wala pang instructions para sa Barangay at SK Elections
ang Aklan-PPCRV o Parish Pastoral Council for Responsible Voting.
Ayon kay Aklan PPCRV Coordinator Reverend Father Ulysses
Dalida, hinihintay pa nila ang mandato mula sa kanilang PPCRV
Command Center sa Maynila tungkol sa kanilang magiging hakbang sa halalan sa Oktubre
28.
Aminado rin ito na ang mga nagdaang Barangay Elections ay
hindi ganon ka aktibo, kumpara sa mga nagdaang National Elections.
At bagama’t wala umano silang poll watching ngayong
halalan, ay naririyan parin ang PPCRV para mag-obserba.
Ang PPCRV ay isang national parish-based ngunit
non-partisan lay movement ng simbahan na patuloy na nagtatrabaho para sa isang
tapat at malinis na halalan.
No comments:
Post a Comment