Ni Christy Dela Torre, YES FM Boracay
Naging matagumpay ang registration para sa SK at Brgy.
Elections ng Commission on Elections o Comelec sa bayan ng Malay.
Ayon kay Malay Comelec Election Officer II Elma Cahilig, bagama’t mas marami ang bilang ng nagpa-rehistro ngayon
kumpara noong nakaraang taon.
Kanila naman umanong na-accommodate ang mga ito, maliban
na lamang sa mga hindi nakahabol kahapon.
Aniya, nasa isandaang katao pa sana ang magpapa-rehistro
ngunit hindi na nakahabol ang mga ito sa itinakdang deadline.
Hindi na rin umano sila nagbigay pa ng extension dahil may
time table sila na sinusunod, at kailangan na rin umano nilang maayos ang Computerized
voters list para sa Brgy. Elections.
Samantala, pagkatapos umano ng registration ay
paghahandaan na rin nila ang tungkol sa mga dapat ipagbawal sa kasagsagan ng
election period.
No comments:
Post a Comment