Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay
Humihingi ngayon ng ayuda ang Boracay Land Transport
Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC) sa Malay Auxiliary Police o MAP na hulihin ang
mga illegal na bumibyahe sa isla.
Sa dokumento ng Malay Transportion Office kung saan
nakapaloob ang kopya ng sulat ng kooperatiba, partikular na tinukoy ang mga
bumibiyaheng single motorbike at mga traysikel na walang prangkisa.
Nais din ng BLTMPC na hulihin ng MAP ang mga drayber na hindi
miyembro at walang suot na uniporme lalo na sa gabi.
Ayon naman kay BLTMPC Manager Ryan Tubi, apektado di umano ang operasyon ng mga lehitimong drayber
ng kooperatiba, rason upang dapat ang mga itong masawata.
Kaugnay nito, umaasa si Tubi na mabibigyan ng agarang aksyon
ang kanilang kahilingan.
Ang request letter ng BLTMPC ay ipinasa kay Rommel Salsona
ng MAP, na inireto naman sa opisina ni Cesar Oczon ng Transportation Office ng
LGU-Malay.
No comments:
Post a Comment