Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Patay ang binatilyong nag mamaneho ng kanyang motorsiklo ng
bumangga sa van sa Barangay Caticlan, Malay, Aklan nitong nakaraang araw.
Ayon kay Malay PO3 Jaime Nerviol Jr., imbestigador sa
nasabing aksidente papasok na sana sa kanyang eskwelahan ang biktimang si Felix
Nataniel Torres, 13-anyos habang sakay sa kanyang motorsiklo ng bigla umano
itong nag-overtake sa sinusundang motorsiklo.
Nang hindi nito napansin ang kasalubong na van sa kabilang
linya ng kalsada na minamaneho ni Yunimer Casimero,34-anyos at
residente rin ng nasabing lugar rason na ito ay magkabanggaan.
Napag-alaman na mabilis ang pagpapatakbo ng motorcycle
rider dahilan para ito ay tumilapon dahil sa impact ng banggaan.
Dagdag pa ni Nerviol, patuloy parin nilang
iniimbestigahan ang nasabing aksidente at inaalaman parin nila kung sino ang
may kasalanan sa dalawang kampo.
Samantala, ang biktima ay nagkaroon naman ng sugat sa
kanyang ulo at sa iba pang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng Malay PNP ang
driver ng nasabing van at inaantay pa kung magpa-file ng kaukulang kaso ang mga
magulang ng biktima.
No comments:
Post a Comment