Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan ngayon ng Department of Education District
of Malay ang text2teach project para sa walong public elementary school sa bayan
ng Malay.
Ayon kay Malay District Supervisor Jessie S. Flores, may
Resolution na nagpapatibay na puweding pumasok
ang Municipal Mayor sa isang memorandum of agrement kasama ang DepEd Division
ng Aklan at Ayala foundation na may kaugnayan sa pagpapatupad ng proyektong
text2teach project sa walong elementary schools sa munisipalidad ng Malay.
Aniya, ang Text2Teach ay isang programa na nagdadala ng
educational content sa mga pampublikong paaralan sa elementarya sa pamamagitan
ng mga video na nai-download sa pamamagitan ng Short Messaging System (SMS).
Dagdag pa ni Flores, ang programang Text2Teach ay
napatunayang epektibo sa mga mag-aaral dahil sa kanilang magandang performance lalo
na sa Matematika at Science.
Samantala, ang bawat paaralan naman na may Text2Teach
program ay makatanggap ng isang pakete na naglalaman ng mobile phone, isang
prepaid SIM card, at isang 29-inch colored television.
Sa ngayon nag-aantay nalang ang DepEd Malay kung kailan
magsisimula ang nasabing programa upang maibahagi agad sa mga mag-aaral.
No comments:
Post a Comment