Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kasado na ang paghahanda ng Aklan Provincial Police
Office (APPO) para sa Brgy. at SK elections sa darating na Oktobre.
Ayon kay Aklan Provincial Police Office Public
Information Officer P03 Nida Gregas, mas lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang siguridad
katulad ng nagdaang eleksyon nitong buwan ng Mayo.
Aniya tatlong araw bago ang eleksyon ay sisimulan nilang ipapatupad
ang gun ban, pag-inom ng alak, at ang anumang ipinag-uutos ng Comelec para sa
eleksyon.
Dagdag pa ni Gregas, babantayan din nila ang mga PCOS
Machines na idi-deliver sa ibat-ibang lugar sa Aklan.
Samantala, tiwala naman si Gregas na magagampanan nila ng
maayos ang kanilang trabaho para sa darating na eleksyon.
Ikinatuwa naman nito na kahit hindi maiiwasan ang mga
pasaway na lumalabag sa batas ng Comelec ay bumaba naman ang mga bilang ng mga
ito kumpara noong nagdaang 2010 elections.
No comments:
Post a Comment