Ni Bert
Dalida, YES FM Boracay
Pinatututukan na ng BLTMPC o Boracay Land Transport
Multi-purpose Cooperative ang operasyon ng habal-habal sa Boracay.
Ayon kay BLTMPC Chairman Ryan Tubi, apektado talaga ng mga habal-habal ang operasyon ng kanilang
mga traysikel.
Ang mga habal-habal pa umano kasing ito na walang
prangkisa ang namamasada sa Boracay.
Samantala, nagpadala na umano sila ng sulat nitong
nagdaang linggo sa mga taga Municipal Auxiliary Police at Boracay PNP upang
maregulate at hulihin ang mga tinaguriang illegal transport medium sa isla, lalo
na ang mga habal-habal.
Subali’t nagtatago lang aniya ang mga ito kapag huhulihin
ng mga otoridad, at muling bumibyahe kapag wala nang nagbabantay.
Maliban sa habal-habal, ipapahuli din umano nila ang mga kolurum
tricycle, kolurum driver, at ang mga namamasadang tricycle drayber sa gabi na
hindi nakauniporme.
No comments:
Post a Comment