Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Binalaan ngayon ng BIHA o Boracay Island Hopping
Association ang mga bangkang nagtatapon ng langis sa dagat.
Ayon kay BIHA Chairman Rigoberto Gelito Jr., ipapakansela nito ang lisensya ng mga bangka partikular
ang mga nagpapa-island hopping, sakaling mapatunayan na lumalabag sa tamang
proseso ng pagtapon ng langis.
Paiimbistigahan umano kasi nito ang naturang aktibidad sa
Bolabog Beach, na ibinunyag kahapon ng isang boatman.
Ang pahayag na ito ni Chairman Rigoberto ay kaugnay sa
umano’y pagtatapon ng langis ng mga bangkang pang-island hopping sa Bolabog
Beach.
Kung saan iginiit nito na dapat ay may tamang lalagyan
ang nasabing langis at hindi itinatapon kung saan lang.
Samantala, maliban sa babala, hinikayat din nito ang mga
miyembro ng BIHA na suportahan ang mga aktibidad na makakatulong upang
mapangalagaan ang Boracay.
No comments:
Post a Comment