Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sosulusyunan na ang paulit-ulit at perwisyong baha sa mainroad
ng station 3.
Ayon kay Malay Municipal Engineer Elizer Casidsid. ida-divert
o ililihis mula doon ang tubig-baha, papunta sa kanto ng station 3 at diretso
sa Sitio Lugutan, Manoc-manoc.
May kalayuan umano ang distansya ng nasabing
establisemyento papunta sa Sitio Lugutan, kung kaya’t kailangan i-pump ang baha
doon at ibabagsak sa drainage.
Partikular na tinukoy ni Casidsid ang bahang laging
pinoproblema ng mga motorista sa mainroad, sa harap ng Le Soleil (Le-So-Ley) de Boracay.
Samantala, bagama’t aminado si Casidsid na madalas naiipon
ang tubig-ulan sa nasabing lugar.
Sinabi nito na ang pagpa-pump na lang ang madaling
solusyon para makuha ang baha doon.
No comments:
Post a Comment