Kaya ngayon palang ay nagbigay paalala na ang pulisya sa nagbabalak
na gumawa ng kremin lalo na sa mga kawatan.
Ito ay dahil kapag nalalapit na ang Pasko, inaasahan na ang
pagdagsa ng mga dayuhan sa Boracay maging ng mga lokal na turista.
Gayong kaakibat ng pagdagsa ng maraming bisita, ang pagdagsa
din ng mga umano’y turista kuno, pero ang pakay pala ay ang magnalasa ng
pandidikwat.
Subalit, sa kasalukuyan ay hinahandaan na ito ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) ayon sa kanilang hepe na si P/S Insp. Joeffel
Cabural.
Aniya, magdadagdag na nila ang Pulis sa isla at magpapakalat
na rin ng maraming “secret tourism police” na siyang magbabanatay sa mga
matataong lugar dito.
Maliban dito, magkakaroon na rin umano ng “Theft and Robbery”
section sa BTAC na siyang tututok sa mga kaso ng nakawan.
Kaya panawagan nito sa mga magnanakaw at may balak magnakaw sa
Boracay, na sana ay magbago na umano ang
mga isip nila dahil hindi sa lahat ng oras ay silang panalo.
Dahil gaya umano sa mga nauna na nilang nahuli na hindi na
bumalik pa dito, sana ay maging halimbawa na iyon.
Hinamon rin ni
Cabural ang mga kawatan na mag-isip-isip na, sabay hikayat sa mga ito
magtrabaho na lamang.
Gayong sa islang ito, maraming aniyang maranagal na trabaho
na maaaring pasukan bagay na dinadayo nga ng mga taga ibang probinsiya, kaysa
gumawa pa umano ng kremin.
Matatandaang, kapag nalalapit na ang Pasko ay doon na rin lumulusob
ang ilang may mga masasamang balak na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa upang
mambiktima ng mga turista dito sa Boracay. #ecm112012
No comments:
Post a Comment