Sapagkat, hindi naman pwedeng itaboy ang mga katutubong Ati,
Mangyan at Badyaw na hindi Malaynon pero pumapasok sa Boracay dahil may
karapatan din umano silang pumunta dito.
Ito ang inihayag ni Magdalena Prado, Municipal Social
Welfare Development Officer ng MSWDO ng Malay sa panayam dito kahapon.
Aniya, hindi ganoon kadali na itaboy ang mga ito gayong
pwede umanong malabag din ng mga tagapagpatupad ng batas ang karapatang pantao
ng nasabing mga katutubo.
Ngunit kapag may nalabag aniyang batas o ordinansa ang mga
nabanggit katulad pagnanakaw ay maaring hulihin at ipatupad sa mga ito ang
kaukulang penalidad o maaaring palabasin ng isla, gaya ng una na umanong ginawa
nila ayon kay Prado.
Kaya, kung makita umanong sagabal na sa daan at namamalinos,
na hindi na rin kagandahan para sa mata ng mga turista sa isla ay dapat na rin
umanong sawayin ang mga ito.
Pero problema umano nila katulad noong una, hindi alam ng
LGU Malay kung saang probinsiya ibabalik ang mga ito sapagkat tila hindi rin
nagsasabi ng totoo kung saang lugar nagmula.
Tinukoy nito na ang iba sa nabanggit na katutubo ay nagmula
sa Antique, Iloilo at iba pang lalawigan at probinsiya.
Samantala, nilinaw ni Prado na hindi Malaynon at Boracaynon
ang mga namamalimos na ito sa front beach.
Dahil hindi naman aniya ugali ng mga katutubo dito ang
mamalimos at pagala-gala lang, sa halip ay nagtatrabaho umano ang mga ito. #ecm112012
No comments:
Post a Comment