Ang kapakanan ng bawat pasahero ang pangunahing rason kung
bakit may inilalatag na security measures sa isang bangka lalo pa sa isang lugar
na maraming biyahero, partikular na sa isla ng Boracay na dinadayo ng mga
turista at bakasyunista.
Kung saan, ilan sa mga seguridad na ipinapatupad ay ang manifesto.
Ayon kay Lt. Commander Terence Alsosa ng Caticlan
Coastguard, mahigpit nilang mino-monitor ang pagpapatupad ng manifesto sa mga
pampasaherong bangka sa Cagban at Caticlan Jetty Port.
Ngunit aminado si Alsosa na dahil na rin sa maraming
turistang sumasakay at limang minuto lang ang palugit na ibinibigay sa mga
kapitan ng bangka upang umalis, ay mabilisan na ang pagsakay kanilang mga
pasahero sa bangka, kung kaya’t sa loob na lamang ng bangka pinapa-ikot ang
manifesto at isinusumite naman ito ng Kapitan o crew ng mga bangka sa
coastguard.
Ayon pa kay Alsosa, may sariling kooperatiba ang mga bangka
na siyang nagpo-provide din ng manifesto, at kanila na lamang itong tsini-check
upang malaman kung ilan ang pasahero ng bangka lalo pa kung masama ang panahon.
Sinabi pa nito na maging sa mga island hopping, diving at
lahat ng sea sports activities ay ipinapatupad nila ang pagkakaroon ng manipesto.
Siniguro din ni Alsosa na makakatiyak ang mga pasahero na
ang bawat biyahe ng bangka ay may insurance kung saan ang bawat biyahe o
operasyon na kanilang gagawin ay nasa ligtas na pamamaraan.
What if malunod ang bangka. Panu ang manifest. Kasama dun. Anu pa purpose nun. Dapat bago sumakay.
ReplyDeleteWalang kwenta ang manifest pag nasa byahe pinapasulat. Kaya nga tinawag n manifest para malaman at mkilala ang mga naka sakay sa isang transportasyon. Hindi nasa byahe na pinapasulat. Dapat bago sumakay ipasulat na sa mga byahero.
ReplyDelete