Ito ang sagot ni Island Administrator Glenn Sacapaño sa
panayam dito, hinggil sa komento ng Sangguniang Bayan ng Malay kamakailan.
Kaugnay ito sa di umano’y tila kulang na implementasyon sa mga
ordinansa sa isla para malinis na ang vegetation area.
Partikular na tinukoy dito ng SB ang mga tent at iba pang
illegal structure sa vegetation area ng front beach na matagal na umanong problema
pero hindi parin natatanggal sa kabila umano ng mga ordinansang mayroon sa
isla.
Bilang sagot ng Island Administrator sa katulad na problema,
sinabi nitong mahalaga umanong magkaroon muna ng pag-uusap ang legislative body
at executive pagdating sa mahigpit na implementasyon kaugnay dito, at upang magkaroon
ng iisang katayuan o desisyon.
Sapagka’t ang nangyayari umano, ayon kay Sacapaño, sila ang
madalas na nababanatan at nakakasuhan kapag nagpatupad na ng mga nasabing
orinansa, dagdag pa na wala umanong linaw kung anong supurta ang ipapaabot ng
LGU sa kanila.
Aminado din ito na naririyan ang mga batas at ordinansa na anumang
oras ay pwede naman nilang ipatupad, pero hindi naman aniya ganon kadali ang
lahat.
Ganoon pa man, nilinaw nitong bago matapos ang 2012 ay pipilitin
nilang maayos ang lahat, para pagsapit ng 2013 ay mabawasan na rin ang mga
problemang ito kasama na ang suliranin hinggil sa mga pagala-galang mga vendor
sa front beach. #ecm112012
No comments:
Post a Comment