Subalit nilinaw ni Felix Delo Santos Jr., Chief Operation Officer
ng Municipal Tourism Office (MTO) na pagdating sa pagdidesisyon kaugnay sa
proposisyon nilang ilipat ang petsa sa pagdiriwang ng Ati-atihan sa Boracay, ang
simbahan pa rin ang masusunod.
Sapagkat ang taunang debusyonal na selebrasyon nito sa isla
ay aktibidad umano ng simbahan.
Subalit, sila aniya sa MTO Office, bilang binigyan ng awtoridad
ng Punong Ehekutibo ng Malay na maki-usap sa simbahan upang mailipat ang araw
ng schedule ng pagdiriwang nito, ay marami nang plano.
Bagamat hindi man ganoon ka-garbo ang selebrasyon ayon kay
Delo Santos, pero balak umano sana nila na gawing mahaba-haba ang araw ng pagdiriwang.
Dagdag pa nito, plano nilang magkaron ng iba’t ibang
aktibidad, na animo ay fiesta na kung ipagdiwang taon-taon sa suporta din ng LGU
Malay.
Ganoon pa man, nasa simbahan pa rin ang desisyon at sila ang
mangingibabaw.
Una nang sinabi ni Rev. Fr. Arnold “Nonoy” Crisostomo na ang
katulad sa nasabing usapin ay dapat ang tao sa Boracay ang magdesisyon.
Kung maaalala, nais ngayon ng Punong Ehikutibo ng Malay na
ilipat sa huling “weekend” ng Enero ang Ati-atihan sa Boracay upang
makapag-imbita pa sa bayan ng Kalibo ng mga tribu na naig lumahaok at upang magkaroon
din ng mahabang panahon sa paghahanda at dagdag aktibidad sa isla na
panghikayat para sa industriya ng turismo. #ecm112012
No comments:
Post a Comment