Naunsyami ang pag-i-isnorkling ng dalawang turista sa
Boracay, matapos aksidenteng tumaob ang sinasakyan nilang paraw, mag-aalas
kuwatro ng hapon kahapon a-12 ng Nobyembre taong kasalukuyan.
Ayon kay Amerigo Katakis, boatman ng Scorpion 2,
mag-snokling sana ang mga kasama nitong Chinese at Taiwanese kanina nang bigla
na lamang hampasin ng unos o malakas na hangin ang kanilang paraw.
Nangyari umano ang insidente sa beach front ng Discovery
Shores, pagkagaling nila sa station 3.
Nagtamo naman ng gasgas sa iba’t-ibang parte ng katawan ang
mga biktima, na kaagad namang inasikaso ng mga taga Boracay Action Group.
Nirespondehan at pinagtulungan naman ng mga Lifeguard na maitabi
ang nasabing paraw matapos ang insidente.
Pinayuhan naman ng mga rumespondeng Coastguard ang boatman
na magkaroon ng kontak sa kanila, para sa agarang pag-aksyon tuwing may mga
kahalintulad na pangyayari.
No comments:
Post a Comment