Ito ang buwelta ni Island Administrator Glenn Sacapaño sa mga
nag-aalaga ng aso na patuloy pa ring hinahayaan na gumala-gala sa kabila ng pagkakaroon
ng batas na nagbabawal dito dahil sa maaaring problema sa madadala sa komunidad
at sa industriya ng turismo ng Boracay.
Naniniwala si Sacapaño na kapag rehistrado ang mga aso at nakatali
ang mga iyon ay wala nang mahuhuli pa ang mga dog catcher.
Labis din umanong nagtataka ito dahil kapag hinuli ng hayop gaya
nito na pagala-gala ay mayroong nangrereklamo.
Pero kung hahayaan na lamang di umano nila ito, binabato rin
ang lokal na pamahalaan ng Malay ng kung anong kumento lalo na kapag
makadisgrasya ito ng mga turista.
Inihayag din nito na mayroon namang dog pound sa Boracay sa Brgy.
Manoc-manoc.
Pero hindi nito masabi ngayon kung may pondong inilaan para
sa pagkain ng mga asong nahuhuli.
Samantala, bukas naman umano sila sa maaaring kaso na isampa
laban sa mga dog catcher sa Boracay, lalo na kung may sapat naman na dahilan at
may tumatayong saksi.
Maaalalang nitong nagdaang buwan ay naging sentro ng usaping
ito ang dog catcher na si Junjun Mendoza makaraang ireklamo ito ng dalawa Swiss
National sa di umano ay hindi nito pagpapakain, gayon din pagkatay at pagbenta
pa nito sa mga asong hindi pa nakukuha ng may ari habang nasa posesyon nito. #ecm112012
No comments:
Post a Comment